Martes, Pebrero 7, 2012

SARAP MAGING BATA . .

Hays.. Reminiscing..
       Noong Bata ako, pag may lagnat ako ang sarap ng buhay ko kain tulog lang tapos lahat ng gusto mo ibibigay sayo. Ngunit ng tumanda na ako, pag nagkasakit ako sasabihin pa ng nanay mo "Yan kasi nagpapalipas ng gutom" ang dami mo pang maririnig kesyo ganito keyso ganyan.. haha xD di ba pwedeng over fatigue lang muna kasi masipag mag-aral?? weeeeeeeeeeeee..

       Noong bata ako nakakasayaw pa ako pero ng tumanda ako tumigas na yung katawan ko?? haha XD. What happened to my body? haha xD. nakakasplit panga ako nung bata ako pero ngayon halos mabali na ung buto ko pag sinusubukan kong mag split. haha xD.

        Noong bata ako, patalon talon lang ako pero ngayon ang hirap ng tumalon kasi nakakapagod! Bakit kaya ganun? ang bilis ko ng mapagod. Pero galawgaw talaga ako haha xD. Ang pinupunto ko lang ee. Yung pagtalon talon sa Garter. Chinese garter nga yung tawag doon dati. mabenta yun lalo na nung 21'st Century.


       Noong bata ako kahit umihi pa ako sa salawal ko okay lang. Pero ngayon? subukan mong umihi sa salawal mo? tignan lang natin kung di ka asarin ng mga kaklase mo. Haha XD.

        Noong bata ako okay lang magpanty sa daan.. xD. Okay lang maghubad. Pero ngayon? Try mong mahubo sa gitna ng kalsada. Tignan lang natin kung di ka pagtawanan ng tao kesyo maliit o malaki yung ano mo? haha xD naalala ko tuloy yung oblation run sa P.U.P. xD. pero di ko po nakita yung mga anu nila. xD. Mga kakaklase ko lang iyong nakakita. Kinikilig panga yung mga yun habang kinikwento sakin yung mga hot boys daw kesyo malaki daw tapos maputi keyso may maliit daw pero cute xD. mga adik talaga!! Naimagine ko tuloy kung anung itsura. haha xD. Oh siya lumalalim na ang usapan. Baka kung saan na mapunta to at mablock ang blog ko sa rude post. haha xD. Kayo?? anung pinagkaiba ng kabataan nyo ngayong mga gurang este mga dalaga't binata na kayo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento